Love Team
Itchyworms
from the album Noontime Show

‘Di… ‘Di naman talaga
Tayo mag-sinta
Pero gusto nila.
Kahit ayaw mo
Bagay raw tayo.
‘Di naman totoo
Mga yakap mo
Pang-eksena lamang ito.

Di nila alam
Na nababaliw na ako sa iyo.
‘Di ko na yata kaya ‘to.
Ang aking lihim na pakay
Ay ang lahat na ito’y gawing tunay

[Chorus]
Sana ‘wag mo kong sisihin
Kung ‘di ko kayang pigilin.
Sabi mo na mahal mo ko
Ngunit ‘di naman seryoso.
Sana ay magkasingkulay
Ang drama at tunay na buhay ko.
Ang tanging pag-asa ko
Ay nasa tambalang ito.

Si… sinungaling ka.
Kapag may tao
Ay nilalambing mo ako.
Ngunit pag wala
Ay sumasama.
Turing mo sakin
Ay parang hangin
Bitin na bitin.

‘Di nila alam
Na sa dulo ng tagpo
‘Di na patok mga linya mo.
Nag-iiba ang iyong asta
Hanggang sa susunod na eksena.

[Chorus]

Sana’y magkatotoo..

[Chorus]

Music Video

[kml_flashembed movie="http://www.youtube.com/v/fVELjMYkl3w" width="425" height="320" wmode="transparent" /]