june 2005 – june 2010
13 Jun
Ang 12 pinakamaiinit at pinag-uusapang balita ngayong Linggo. Ihahain nang lahat. Iisa-isahing ang detalye. Punto por punto. Walang papalampasin. Hindi na papaawat. Sa mas pinatindi. Mas pinalakas. Explosibo at Exclusibo. Dito lang sa The Buzz.
1. Fashionista actress, iiwan na nga ba ang showbiz?
Ang kanyang mga saloobin sa kanyang pagpapaalam, abangan.
2. Comedian, nagselos sa huling concert ng kanyang diva-actress girlfriend at ng isang singer-actor.
Ilalabas na ang kanyang mga nararamdaman. Susunod.
3. Actress, iniwan ang showbiz at Pilipinas para sa kanyang boyfriend.
Ikakasal na nga rin ba?
4. Singer-actor, tuluyan ng nakapag-moveon. Ipinakilala na ang non-showbiz girlfriend.
Ito na ba ang masayang simula para kay singer-actor?
5. Sikat na model-comedian, nagkalat ang larawan sa Internet. Sasagot din ang mga bumabatikos sa kanyang bagong karelasyon..
Lahat ng iyan, mamaya. Live at Exclusive.
6. Actor-politician ng Genuine Opposition, lilipat na nga ba sa bakuran ng Kanguso network?.
Mayroon nga bang tampo sa Kapatilya network, kaya umalis?
7. Mayamang actor nagdala ng sariling speedboat sa isang commercial sa Bora. Island hopping naging Island shopping. Totoo nga ba ang mga paratang sa kanya? Gretchen Baretto, is that you? Abangan mamaya. Mayamang actor, babanat na.
8. Explosibo at Exclusibo. TV Host-actor, muntik nang masuspinde ang noontime show ng MTRCB. .
Mga panibagong detalye sa kontrobersiyang ito, ibubulgar na.
9. Mother actress, isa nang ganap na Kapatilya. Kanyang party, dinaluhan ng mga sikat na Kapatilya stars.
Ano kaya ang kanyang nararamdaman? Alamin.
10. Hunk actor, pumuslit nga ba ng chocolates sa airport?.
Alamin ang kanyang bersiyon ng kuwento. Mamaya.
11. Singer-comedianne, iibig na nga bang ulit? May bagong nasungkit na puso ng isang foreigner..
Kilalanin ang bagong pag-ibig ni singer-comedianne. Sa Taj Mahal na ba ang ending nito?
12. Actress-dancer at model-actor, huling huli ang kakaibang closeness sa shooting ng kanilang pinakabagong pinagtatambalang teleserye..
Haharap na sila. Abangan.
4 Responses for "The Buzz Teaser"
Waah #7 lang nagets ko! Bulok talaga ko sa mga blind item!
matabang tao na may salamin, walang maintindihan!!
nahulaan ko lahat.. yahoo!!!
@ kido
syempre si ser gerry yun.
pati #5 hindi mo alam??? hehehe
@ jay
hihihi… nawawala nga yung thrill kapag blind items… hindi naman talaga dapat ganito… pero kesa mapassword protect na naman…
@ larisse
yey! galing-galing mo naman.
@ all
more clues:
1. showbiz = account
2. concert = videoke sa despedida party
3. boyfriend = nasa puso ni girlfriend
4. non-showbiz = non-ERP
5. larawan sa Internet = my heritage
6. Kanguso = other than HP
7. Mayaman = Gerry (ayan!)
8. noontime show = blog
9. party = leche flan
10. puslit = reimburse
11. foreigner = contractual
12. shooting = despedida
Ayan, madali na dapat yan! Hehehe…
Oo, Gerry. Hindi ‘to tunay na The Buzz. Masyado lang akong magaling mag-analogy. Hihihi… Yabang ko! Except sa 1, pwede ko bang ilagay na yung pictures nyo?! Harhar.
Blog. Guaranteed No Alcoholic Content. Muhahahaha.
Leave a reply