june 2005 – june 2010
23 Sep
Three years ago I made my first stint for UP Parser, a student newsletter of Department of Computer Science, with this fun article.
Aries
Tigilan ang paggamit ng photos ng iba sa Friendster at Myspace. Face mo lang kung problema mo ang face mo. Daanin mo na lang sa profile at humingi ng maraming testimonials.
Lucky Number: Number of Friends
“Don’t do to others what you can do today.”
Taurus
Kung trip mong mag-artista, magpadiscover ka na rin. Tumambay sa AS. Madami kayo dun.
“Bato-bato sa langit, ang tamaan sapul!”
Lucky Number: (Channel) 2, (Channel) 7
Gemini
Galingan ang laro sa Eng’g Cup para hindi makulelat.
Lucky Number: 0
“Practice makes perfect. Nobody is perfect. So don’t practice.”
Cancer
Huwag mag-ROTC para iwas skin cancer. Huwag kang mag-smoke para iwas lung cancer. Huwag kang hihinga, mamamatay ka.
Lucky Number: 50/50
“Oiliness is next to ugliness.”
Leo
Hindi ka masaya dahil hindi mo nakatuluyan si Ara sa Sana’y Wala Nang Wakas.
“Kay haba-haba man ng prusisyon ay hindi makakarating sa paroroonan.”
Virgo
Magkakabalikan na kayo ng ex mo. Magkakabalikan kayo ng regalo sa isa’t isa. Sasabihin mo sa kanya, “hindi pa tayo tapos, babalikan pa kita!”.
“Blood is sweeter than water the second time around.”
Libra
Inis na inis ang fans club ninyo dahil hindi nanalo ang bet ninyong si Sandara. Ganundin si Rainier. At ang ikakamatay mo, natalo rin si FPJ sa eleksyon. Tigilan na ang pagiging fanatic.
“Birds with the same feather, pray together, stay together.”
Lucky Color: Jolina’s technicolor
Scorpio
Kakapusin ka sa pamahase. Huwag mahiyang mangutang o magpalibre. Tumingin-tingin sa paligid baka may kakilalala.
Lucky Number: 5.50
“Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay kung matinik ay malalim.”
Sagittarius
Mag-ingat at may uutang sa iyo. Sabihin mong hindi mo siya kakilala.
Lucky Number: 4.75
“Huli man daw at matsing ay napaglilinlangan din.”
Capricorn
Tatambakan ka ng MPs at problem sets ngayong linggo. Iwas gimik muna.
Lucky Numbers: (Math) 53, 54, 55
Luckier Numbers: (Physics) 71, 72
Luckiest Numbers: (CS) 11, 12, 21, 32
“An apple a day is seven apples a week.”
Aquarius
Huwag makinig sa tsismis. Walang pasok bukas.
“May tainga ang lupa, may pakpak ang balita, may buntot ang sirena.”
Pisces
Alagaan ang inyong kalusugan. Kahit uso ang mga isda sa TV, bawal sa iyo ngayon ang sardinas at fishballs.
Lucky Number: 555
This was published August 2004 where Ikot fare was 5.50 pesos and the number 1 telenovela on primetime is Marina.
Leave a reply