june 2005 – june 2010
24 Sep
Zaido and other the descendants of Shaider already came out. When our conversation started with those characters, we traced back to the era where Shaider is one of the stars along with all sentai cartoons and texts (not the SMS thing).
1. Shaider – Ang Pulis-Pangkalawakan. Lahat tayo ay nag-enjoy kay Shaider habang nakikipag-away siya sa shigi shigi army after niyang mag-’time space warp, ngayon din!’. Ganundin si Annie na laging nakikitaan kapag lumulundag. Alam mo ring matatalo na ang kalaba ‘pag dumating na ang malahiganteng plantsang magiging pistol.
2. Bioman, Maskman – Siyempre, sinong hindi makakalimot dito bago dumating ang Might Morphin Power Rangers. Umiyak ka nung namatay si Yellow 4. Kahit ang end credits tinatapos kahit paulit-ulit na lang nilang nililinis ang robot nila. Ang masaya naman sa Maskman ay na nagiging Mask-u-man kapag kinakanta na ng Pinoy dubbers. Sina Tito, Vic at Joey ba yung kumanta? Kaboses eh. Halos gayahin mo namang mag-levitate with matching aura powers around at gumawa ng kung anu-anong star and double star sa goma. Remember the end credits?
3. Masked Rider Black – Channel 13 pa rin ang panalo nun dahil kay Mask Rider Black. Ala-5 ng hapon yata yun after ng Candy Candy. Siyempre makalaglag panty si Robert Akizuki nun bago siya mag-’Rider Change’. Tatawagin din nya si Battle Hopper. Mortal na kaaway niya ang Gorgom.
4. Nano-Nano jingle – Sweet, sour and salty… nano-nano
5. Takeshi’s Castle. I haven’t been deceived by Anjo Yllana and Smokey Manaloto as the original author of this post claimed. Ang inabangan ko talaga dito ay kung meron ba talagang nanalo laban kay Takeshi. Isipin mo naman water gun versus water pump yata ang labanan. Although nakapanood ako sa Channel 7 na nanalo yung contestants sa final round. Gusto kong round dito is yung maze na maraming doors at 2 goons.
6. Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 – Kumusta naman ang Shake-Shake Shampoo, hindi ko natandaan na nilalaro ko yun. What’s Prikidam 123? Marami pang maka-saksak-puso-tulo-ang-dugo nakakapagod na games aside from these. Naalala nyo rin ba ang Bahay Kubo na apatan na mag-a-up-here up and down, left and right. O kaya yung ‘Sen sen chimpoy champoy Josie Kalawa’ or whatever. Pambata talaga!
7. Hindi lang taga-Milo ang rumuronda sa elementary schools. Pati ang Ovaltine na madalas magpa-film showing. Ganundin ang Chiz Curls. Tuwang-tuwa ka naman kahit ang haba-haba ng pila eh kaunti lang makukuha mo.
8. May malaking away ang mga Metal, mga punks na naka-itim, at mga Hiphop, mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang dalawang bundok. Hiphop ako nun kasi mas mahilig akong magsuot ng maluluwag. Naalala ko yung baseball outfit ko nun. Astig. Sikat ang kasabihang ‘Punks Not Dead!’
9. Alam mo ang universal uwian song na Uwian Na! na kinakanta sa tono ng Wedding March.
10. ‘AB-Cedie, Sarah, Remi, Nelo, Patras, taga-bilis ng gatas… Ang alpabetong Pilipino, madaling bigkasin, Noli De Castro’ sa tono ng makabagong Batibot, ang ATBP.
11. Brut. Brut. Brut. Siyempre ang brick game. Pataas ang score sa tetris!
12. Ang text noon ay mga 1″x1.5″ na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy at may dialog pa! Oo. Madalas pelikula ni FPJ at Lito Lapid. Nauso rin yung text na ang bida naman ay Ninja Turtles at Xmen. Mas malapad at malaki di hamak sa Pinoy text. Tapos napalitan na siya ng Coca-cola Pog.
13. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre D’ Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle. Enjoy pa talaga sa akin noon ang wrestling. Siyempre kasi alam mo dati, walang daya. Hindi scripted.
14. Sumasayaw ka sa saliw ng 90′s dance tugtugin tulad ng Lick It, Big Big Man na may kapatid na Short Short Man, Ragga Muffin Girl, ang paborito kong Feel Like Dance at ang Sweet Soul Revue.
15. Laos na sa akin ang That’s Entertainment dahil sikat kapag 4:30 na Ang TV.
16. Napaligaya ka ng maraming Pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. At aminin mong nakinig ka ng Siakol! Pero Grade 6 ako, sikat na ang kantang Buloy ng Parokya ni Edgar
17. Kilala mo ang Smokey Mountain, first and second generation.
18. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing iaapak mo ito – ang DinoLights.
19. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI Joe with all alipores. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. Kasama na rin ang 10-20 at iba pang garter games, tapos pati chinese jackstone. Ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)
20. Tapos ang next generation na laruan ay ang Magic Spring na ang tanging trick na nagagawa mo ay isuot ang kabilang dulo sa butas para magpalit ng puwesto.
21. Kumusta naman ang mga pencil case na kung anu-ano ang lumilitaw ‘pag pinindot mo. May magnifying lens pa di ba?
22. Cedie. Sarah. Nelo. Julio at Julia, Kambal ng Tadhana. Taob ang Channel 7 nun sa Channel 2.
23. Alam mo ang ibig sabihin ng ‘Time First!’
Among these entries, ilan na nga ba ang na-revive ng Dos at Siyete. Imagine-in mo na lang na ngayong buhay na si Shaider kay Zaido. Paano pa yung iba?
Forwarded and Edited. Added some entries. To the original author, please introduce yourself so I can acknowledge you here.
4 Responses for "Back When I Was A Grade School"
Could you add this up?
24. All time Favorite Animes – Can you still remember Blue Seed, Patlabor and Raijin-Oh? This is my all time favorite anime when I was still a kid. I remembered skipping classes just to watch the episodes which are aired at RPN-9. Other Animes that followed this generations where Sailormoon, Yaiba, Time QUest (lipat-lipat..takure!), Dragon Quest, Dragon Ball..etc etc.
@dino
Uy, I don’t remember Blue Seed, Patlabor and Raijin-Oh? Huhu. But I knew the next generations of anime you had mentioned.
Thanks for dropping by.
ang galing ng memory mo…. u helped me recall ung mga sikat na anek-anek nung tayo ay mga paslit pa lamang… saludo ako sa yo! nakakatawa ung mga compilations mo! ANG GALENG!!!!!!!
Nakalimutan mong ilagay ang Pog at tamagochi.. Hehe
Leave a reply