june 2005 – june 2010
20 May
Noong nakaraang Mayo 9, akin nang iniakda sa aking talaarawan ang isang pangyayaring susubok muli sa aking pagkatao. Hindi na lilisan ang alaalang muling naglaho ang aking telepono. Muli na namang tumatak sa aking isipan na ang mga bagay sa mundo ay panandalian lamang. Sumagi rin ang katotohonan na may mga pagkakataong ako’y nagiging mangmang.
Wahaha… Lalim! Ako ay naaliw lamang ngunit mula sa isang malungkot na pangyayari. Ito ay sa kadahilanan na nagpaalam sa aking kaibigan ang kanyang telepono. Narito po ang kanyang maikling mensahe.
Paalam telepono
Sa isang di inaasahang pangyayari ay sapilitan ng nagpaalam sa akin ang aking telepono. Kung mayroon man kayong matanggap na mensahe na pangalan ko ang nakalagay at gusto kayong maging ka-textmate o humihingi sa inyo ng load, dedmahin niyo na lang. Maliban na lang pala kung nais niyang isauli ang telepono. Pasensya na po sa abala.
Kung may importanteng kayong nais sabihin tawagan niyo na lang ako sa bahay o kaya sa opisina dahil wala pa akong ibang ‘cellphone’. Hindi ko pa siya kayang ipagpalit dahil wala pa akong pera. Ehehehe..
Mahirap kasi buhay ngayon.
Sa kabutihang palad ang aking linya mula sa Globe ay ‘postpaid’. Kung sino man ang nakatangan ng aking telephone ay hindi na niya magagamit ang aking ‘SIM’. Subalit tulad ng aking kaibigan, hindi ko pa siya kayang ipagpalit dahil wala pa akong pera
Leave a reply